Sunday, January 25, 2009

Bakasyon

Bakas sa'yong mga mukha ang saya at tuwa
Bakasyong hinihintay at pinanabikan ay nalalapit na
Bakas sa'yong mga ngiti ang di mapagsidlang ligaya
Bakas sa bawat kilos mo't galaw na ikaw ay uuwi na

Uuwi ka na sa piling ng iyong mga mahal
Na ilang buwan mo ring hindi nasilayan
Bawat araw na dumadaan ramdam mong malapit na
Ang araw ng iyong bakasyon iyong nababakas na

Hindi mo man aminin hindi mo man sabihin
Bakas na bakas na, na excited ka na
Sa nalalapit mong bakasyon hindi ka na mapakali
Bakas na bakas na, sabik na sabik na, nais nang makaisa

Eyebag mo'y sinlaki na ng bagahe mong iuuwi
Dahilan upang sa trabaho ika'y iidlip idlip
Puyat sa kahihintay ng oras, sa kahihintay ng araw
Hanggang sa araw ng iyong bakasyon ay isang tulog na lang

Bagong pabango, bagong sapatos at bagong damit
At kahit wala kang buhok ikaw ay magpapagupit
At kapag medyo nasiyahan ay magpapafacial pa
Walang pag aalinlangan ikaw nga'y uuwi na

Ika nga nila'y eroplanong maghahatid sa iyo'y palapag na
Hindi na papipigil hindi na paaawat hindi na baka sakali
Bakas na bakas na, bakasyong bakasyon ka na
Sige na nga at umuwi ka na at magpakasaya

1 comment: