Kahapon ngayon at kailanman
Ngiti mo'y sigla sa aking umaga
Walang pagsidlan ng saya
Tulad mo ay bulaklak na humahalimuyak
Samyo mong bango sa hardin
Di ako magsasawang ikaw ay angkinin
Dahil para sa'kin ay walang iba kundi ilkaw giliw
Ikaw ang siyang nais kong kapiling
Umaga hanggang magdamag
Ikaw ang siyang nais kong makita
Sa tuwing ang mata'y ibubukas
Tulad mo ay isang tulang binigyan ng himig
Sabay sa ihip ng hangin
Di ako magsasawang ikaw ay awitin
Dahil para sa'kin ay walang iba kundi ikaw giliw
Ikaw ang lahat para sa akin
Ikaw lang wala nang iba
Puso ko'y sa'yo at sa'yo lamang
Wala nang kailangang iba
Tulad mo ay isang tala sa kalangitan
Liwanag sa aking dilim
Di ako magsasawang ikaw ang kapiling
Dahil para sa'kin ay walang iba kundi ikaw giliw


No comments:
Post a Comment