Wednesday, January 28, 2009

Takot na mabigo ang puso ko

Ang isip ko ay lito
Di alam ang gagawin
Bawat araw ang damdamin ay lumalalim
At sa bawat oras na kapiling
Pag-ibig ko'y inililihim
Takot na mabigo ang puso ko

Alam kong ikaw ang kailangn ng buhay ko
Di ko lang alam kung paano sabihin ito
Takot na mabigong mulit ang aking puso
Hanggang kailan itatago ang pagsamo

At isang araw aking sinubukan
Ibigkas sa'yo ang pag-ibig na tinatago
Pilit binuksan ang aking labi
Wala na namang namutawi
Takot na may masabing mali

Di ko yata makakayang ikaw ay lumayo
Na hindi man lang masabi laman ng puso ko
Takot ko ay tuluyan na ngang naglaho
Nalaman kong ako rin pala sa'yong puso

No comments:

Post a Comment