Thursday, January 29, 2009

Mahal Kita Dahil Mahal Kita

One is loved because one is loved. No reason is needed for loving

Madalas mong itanong sa akin
Mga dahilan kung bakit kita minahal
Mga dahilan kung bakit kita mahal
Mga dahilan kung bakit kita patuloy na mamahalin

Wala akong maisagot sa iyong mga katanungan
Dahil pagmamahal ko sa'yo'y walang kadahilan

Madaling sabihing mahal kita dahil maganda ka
O di kaya'y dahil ako'y iyong pinasasaya
Nirerespeto at binibigyang importansya

Ngunit paano kung ang lahat ng dahilang ito ay maglaho
Dahilan ba ito upang maglaho din pagmamahal ko

Mahal kita dahil mahal kita
Walang pag-aalinlangan
Walang kadahilanan
Mahal Kita dahil Mahal Kita

No comments:

Post a Comment