Puso ko at isipan ay nabihag mo
Nababaliw na yata ako sa'yo
Ikaw ang laging hanap sa paggising ko
Walang ibang gusto, ikaw ang nasa puso ko
Di na mapipigilan ang damdamin ko
Tibok ng puso ko ay ang pangalan mo
Isang sulyap mo sa'ki'y tunaw na ako
Ano bang meron ka't hibang ako sa'yo
Walang ibang gusto, ikaw ang nasa puso ko
Di ko namalayan, puso ko'y tinamaan
Bigla na lang naramdaman, ikaw na ang siyang mahal
Kaya't ito ang pagsamo ko sa'yo
Huwag na sanang pahirapan pa ang puso ko
Inaasam na oo ay ibigkas mo
Pangako kong pag-ibig di magbabago
Walang ibang gusto, ikaw ang nasa puso ko
Tunay at totoo, ako ay para lang sa'yo


No comments:
Post a Comment