Sunday, January 25, 2009

Sa Ilalim ng Bilog na Buwan

Sa ilalim ng bilog na buwan
Ako'y naglalakad sa kahabaan ng daan
Hindi sinasadyang ika'y matapakan
Nabangga kita't muntik pang mabukulan

Inaasahan kong ika'y magagalit
Ngunit ngiti ang iyong ipinalit
Sa dulot ko sa iyong sakit
Ako ay napatingin sa iyo ng ubod lagkit

Sa ngiti mong iginawad
Katorpehan ko'y muling nasubukan
Nguni't sa pagkakataong ito'y aking nilabanan
Nginitian din kita at tinanong kung okey ka lang

Tinanong ko rin ang iyong pangalan
Telephone number at tirahan
Pati ako ay nabigla sa aking inasal
Sadya sigurong ganyan kapag bilog ang buwan

Di mo naman pinagkait
Mga sagot sa aking pangungulit
Sa ilan minuto nating pagniniig
Nasabi na sa sariling ikaw ang aking hinihintay na pag-ibig

Sa muli nating pagkikita
Bilog na buwan ay maliwanag pa
Saksi siya sa ating tawanan
Nakuha natin kiliti sa isa't isa

Nang iyong ibigay sa akin
Ang "oo" na ilang taon ko ring hinintay
Sa di inaasahang pagkakataon
Kabilugan na naman ng buwan noon

Saksi ang bilog na buwan
Sa ating lambingan at mahalan
Saksi rin ang bilog na buwan
Sa mangilan ngilan nating di pagkakasunduan

Sa ilalim ng bilog na buwan
Isang pagkakaibigan ang nasimulan
Natuloy sa pag-iibigan at nauwi sa kasalan
Sa ilalim ng Bilog na Buwan
Dalawang puso ang pinagtagpo
Sa ilalim ng liwanag na dulot nito

Kaya't sa tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan
Katuwaan sa ating mga mukha ay walang pagsidlan
Minsa'y napagkakamalan pa tayong mga aswang
Sa hilig nating mamasyal sa ILALIM NG BILOG NA BUWAN

No comments:

Post a Comment