Sunday, January 25, 2009

Hindi Ako Ikaw

Hindi ako magiging tunay na maligaya
Kung hahayaan kong maging iba sa aking sarili
Hindi ako ikaw at ikaw ay hindi ako
Kaya huwag mo akong ihubog sa iyong katauhan

Ang kaligayahan ko ay ang pagiging ako
at hindi pagiging tulad mo

Hindi ako magiging maligaya kapag ako ay nagbago
dahil lamang sa iyong kagustuhan
At hindi ako lubusang makukuntento kung sa lahat
ng panahon ako ay iyong pinupuna kung iba ang
nakikita ko sa nakikita mo o
iba ang pag-iisip ko sa pag-iisip mo.

Tinatawag mo akong rebelde
Ngunit naisip mo bang sa tuwing
Di mo sinang ayunan ang aking opinyon o paniniwala
Ay isa ka rin rebelde sa aking isipan

Hindi ko hahayaang hubugin ang isip mo
Sa kaisipang nais ko
Alam kong nagsisikap kang mabuti upang maging ikaw
At lalong di ko hahayaang sabihin mo sa akin
Kung ano ang dapat maging ako
Dahil tulad mo, nagsisikap din ako
Sa pagiging ako.

Sinasabi mo na ako ay tulad lamang
Ng marami na madaling malilimutan
Kung gayon ay bakit mo ginagamit ang
Aking buong buhay upang patunayan
Kung sino ka?

No comments:

Post a Comment